Wednesday, March 21, 2007

MINING COMPANY ATTACK BY CPP/NPA


Isa na namang di makatao at di maka Diyos na gawain ang inihasik ng mga teroristang CPP/NPA sa Sitio Mendezona, Barangay Raja Cabungsuan, Lingig, Surigao del Sur noong Martes ng hapon Marso 20, 2007 at di bababa sa 60 armadong rebelde ang lumusob sa nasabing Mining Company. Dinisarmahan at tinangay ang pitong matataas na kalibre ng baril ng mga company guards at dinala rin ng mga berdugong rebelde ang pitong handheld radios at laptop. Bukod dito hindi pa rin nakuntinto ang mga kawatang rebelde sinira rin nila ang radio base station bago sila tumakas papuntang karatig na bundok ng Mendezona, Raja Cabungsuan. Sa ngayon ang mga rebelde ay tinutugis ng mga kapulisan at militar para panagutin sa ginawa nilang karahasan. Sa halip na tumulong ang mga taong ito na iangat ang ating bansa sa economy, peace and order kabaliktaran ang kanilang ginagawa, sadyang napakasama at walang puso ang CPP/NPA, sabi nila maganda ang layunin ng kanilang grupo bakit lahat na ginawa nila puro pasakit sa tao walang ginawa kundi mangikil at magnakaw sa mga taong namumuhay ng matuwid. Ito ba ang gusto natin na mamuno sa bansa natin? Panawagan sa mga kapatid natin na nalilihis ng landas, gumising na po kayo sa katotohanan niloloko lang kayo ng mga lider ninyo, habang silay namumuhay sa ibang bansa nagpapakasarap (tingnan ang larawang ito habang nakikipag party si JOMA SISON kasama si ARA MINA sa ibang bansa) tulad din sa mga liders ng party list na ito; Bayan Muna, AnakPawis, Akbayan, Gabriela at Migrante ang lahat na ito ay mga legal fronts ng CPP/NPA kampon ni SATANAS. Walang Diyos ang mga ito bakit kamo dahil wala silang habag at puso sa pagpatay sa kapwa tao, huwag naman sana dumating ang araw na ang mamuno sa bansa natin ay mga kampon ng DEMONYO katulad nila. Akoy nananawagan sa mga kapwa ko pinoy na mag-isip po tayo ng maraming besis sa pagpili ng mga liders sa bansa natin dahil unti-unting pinapasok na tayo ng mga CPP/NPA sa kongreso sa pangunguna ng mga party lists na ito (Bayan Muna, Anak Pawis, Akbayan, Gabriela at Migrante) sila ang pumipigil sa pag-angat ng ating ekonomiya bakit kamo itinataboy nila ang mga envestors na papasok sa bansa sa pamamagitan ng mga demonstrasyon sa kalye.
Ang mga batang walang kamuwang-muwang ginagamit sa pikit para sa personal na interest ng mga CPP/NPA/NDF.





No comments: