ALAM MO BA KUNG ANO ANG KAHIHINATNAN MO PAG IKAW AY SUMAMA SA CPP-NPA?
AYON SA ULAT NG MGA DATING MIYEMBRO NG CPP-NPA, MGA MAMAMAHAYAG (JOURNALISTS) AT MGA MAY AKDA NG LIBRO TUNGKOL SA CPP-NPA, ANG MGA SUMUSUNOD ANG NAGHIHINTAY SA INYO:
1. MALARYA- Lahat ng mga miyembro ng CPP-NPA na nasa bundok ay nagkakasakit ng malarya.
2. GOITER- Ang mga beteranong pinuno ng CPP-NPA ay may sakit na goiter dahil sa maraming taon na walang mainam na pagkain. Sa bundok, bihira lang silang nakakakain ng pagkaing dagat, gaya ng isda, na mayaman sa iodine at iba pang pagkain na mayaman sa protina.
3. TIPUS (TYPOID FEVER)- Maraming rebulosyonaryo ang nagkakasakit ng tipus. Sila ay nagkakasakit nito dahil sa maruming tubig at walang maayos na lalagyan ng pagkain.
4. DYSENTERYA- Dahil din sa maruming tubig at pagkain, ang mga CPP-NPA ay palaging nagkakasakit ng dysenterya.
5. TUBERCULUSIS- Dahil sa maraming taon ng walang wastong pagkain, ang mga matatagal ng NPA sa bundok ay nagkakasakit ng TB.
6. GUTOM- Ang pagkain ng NPA ay nanggagaling
sa mga barangay na kontrolado nila at sa koleksyon ng buwis pangrebolusyonaryo. Kadalasan, hindi sapat ang koleksiyon para sa pagbili ng pagkain ng mga NPA, kaya't sila ay kumakain lamang ng sinaing na bigas at asin. Kung minsan, ang pagkain nila ay prutas. Dahil sa kakulangan ng pagkain, ang mga CPP-NPA ay palaging gutom.
sa mga barangay na kontrolado nila at sa koleksyon ng buwis pangrebolusyonaryo. Kadalasan, hindi sapat ang koleksiyon para sa pagbili ng pagkain ng mga NPA, kaya't sila ay kumakain lamang ng sinaing na bigas at asin. Kung minsan, ang pagkain nila ay prutas. Dahil sa kakulangan ng pagkain, ang mga CPP-NPA ay palaging gutom.7. MAHIRAP MAKALIGTAS SA SUGAT NA TAMA NG BALA AT SAKIT- Kung tinamaan ang sundalo at pulis ng CPP-NPA ng bala sa engkwentro, ang mediko nila ay walang kakayahan na gumamot ng sugat ng baril sa tiyan, ulo sa baling buto. Dahil wala silang doktor at pasilidad medikal, ang sugatang NPA ay namamatay. Ang mga nagkakasakit naman na hindi mabigyan ng sapat na atensyong medikal ay namamamtay din.
8. KAMATAYAN SA KAMAY NG KASAMAHANG NPA- Ang mga kasamahan na
pinaghihinalaan na espiya ng militar at pulisya ay inaaresto, ikinukulong, tinotorture, pinapatay at inililibing ng CPP-NPA sa libingan na walang marka. Ito ay nangyari noong 1982, 1985, 1986, at 1988 sa Southern Tagalog (Laguna-Quezon guerilla zones), Mindanao, Cordilleras, Maynila, Cebu at iba pang mga siyudad. Ayon sa report ng isang opisyalis ng CPP, mula 1985, hanggang mga unang buwan ng 1986, meron mga 600 hanggang 900 na mga NPA ang pinatay dahil sila ay napaghihinalaang espiya ng militar at pulisya. Ang Australiano na mamamahayag na si Louise Williams, na naginterview ng mga miyembro ng CPP-NPA nagbigay ng ulat na sa probinsya ng Surigao del Sur lamang, ang puwersa ng NPA ay bumaba mula 600 hanggang 100 rebelde dahil sa pagpatay sa mga pinaghihinalaang miyembro ng mga espiya raw ng militar, pulisya at pagtakas ng ibang miyembro dahil sa takot na sila ay paghinalaan at patayin din ng mga kasamahang NPA. Ang mga labi ng mga pinatay ay nahuhukay ng AFP at Pulisya at madalas ilathala ng pahayagan hanggang sa ngayon.
pinaghihinalaan na espiya ng militar at pulisya ay inaaresto, ikinukulong, tinotorture, pinapatay at inililibing ng CPP-NPA sa libingan na walang marka. Ito ay nangyari noong 1982, 1985, 1986, at 1988 sa Southern Tagalog (Laguna-Quezon guerilla zones), Mindanao, Cordilleras, Maynila, Cebu at iba pang mga siyudad. Ayon sa report ng isang opisyalis ng CPP, mula 1985, hanggang mga unang buwan ng 1986, meron mga 600 hanggang 900 na mga NPA ang pinatay dahil sila ay napaghihinalaang espiya ng militar at pulisya. Ang Australiano na mamamahayag na si Louise Williams, na naginterview ng mga miyembro ng CPP-NPA nagbigay ng ulat na sa probinsya ng Surigao del Sur lamang, ang puwersa ng NPA ay bumaba mula 600 hanggang 100 rebelde dahil sa pagpatay sa mga pinaghihinalaang miyembro ng mga espiya raw ng militar, pulisya at pagtakas ng ibang miyembro dahil sa takot na sila ay paghinalaan at patayin din ng mga kasamahang NPA. Ang mga labi ng mga pinatay ay nahuhukay ng AFP at Pulisya at madalas ilathala ng pahayagan hanggang sa ngayon.9. KAMATAYAN SA ENGKWENTRO- Ang mga NPA at puwersa gobyerno ay madalas na
magengkwentro at may mga namamatay sa bawat panig. Sa mga engkwentrong ito, mas maraming NPA ang namamatay dahil sa kakulangan nila ng malakas na armas, gamit pangdigma, at sasakyan.
magengkwentro at may mga namamatay sa bawat panig. Sa mga engkwentrong ito, mas maraming NPA ang namamatay dahil sa kakulangan nila ng malakas na armas, gamit pangdigma, at sasakyan.10. PATULOY NA PAGDURUSA AT PAGKATAKOT- Ang buhay sa bukid at kagubatan ay napakahirap para sa mga NPA dahil sa palaging kakulangan ng pagkain, peligro sa kagat ng ahas, lamok na may malaria, pagkakasakit, paglakad sa mga putik, sugat, at ang palaging engkwentro sa puwersa ng pamahalaan. Ang paghirap at pagkatakot ay magkasama sa pang araw-araw na buhay ng NPA.
11. PAGKAHIWALAY SA MGA ANAK- Ang pag-asawa ay pinahihintulutan lamang sa
miyembro ng bawat NPA at CPP at bawal sa isang nasa labas ng organisasyon. Pagkat ang magsawang NPA ay magkaanak, ang kanilang sanggol ay pinaaalagaan sa mga kasama sa kilusan o sa kamaganak. Ang nanay at tatay naman ay patuloy sa kanilang gawaing pangrebolusyonaro. Ang kanilang sanggol ay hindi nabibigyan ng pagmamahal ng magulang at ang kanilang pamilya ay nagkakahiwalay.
miyembro ng bawat NPA at CPP at bawal sa isang nasa labas ng organisasyon. Pagkat ang magsawang NPA ay magkaanak, ang kanilang sanggol ay pinaaalagaan sa mga kasama sa kilusan o sa kamaganak. Ang nanay at tatay naman ay patuloy sa kanilang gawaing pangrebolusyonaro. Ang kanilang sanggol ay hindi nabibigyan ng pagmamahal ng magulang at ang kanilang pamilya ay nagkakahiwalay.PAKINGGAN ANG MGA BABALANG ITO. ANG INYONG PAGSAPI SA CPP-NPA AY MALAKING PAGKAKAMALI, PAGKAKAMALI NA INYONG PAGSISISIHAN PAGDATING NG ARAW. MGA PAYO MULA KAY "BIG BROTHER".
No comments:
Post a Comment